Pro, anti-RH bill nagbanggaan sa Unborn Child bill

TUMITINDI ang banggaan ng ilang senador sa dalawang panukalang batas na naglalayong mapagtibay ang polisiya ng estado sa family planning sa bansa.

Nitong Lunes ng umaga, sinimulan ng Senate committee on health and demography ang pagdinig sa Unborn Child Protection Bill na hinihinalang pangontra reproductive health bill na isinusulong ng Palasyo.

Tahasang sinabi ni pro-RH Bill Sen. Miriam Defensor Santiago na labag sa Saligang Batas ang Unborn Child Protection Bill dahil nakatakda Rito na tanging ang Ina lamang ang dapat bigyan ng proteksiyon ng estado, hindi sanggol na nasa sinapupunan.

Pinuna pa ni Santiago ang panukalang Unborn Child Protection Bill na nagmistulang pinanghihimasukan na ng Simbahan ang gawain ng Estado na itinuturing ng una na isang uri ng abortion o sadyang pagpatay sa sanggol na nasa sinapupunan kapag gumamit ng kontraseptibo o contraceptive pills.

Buwelta naman ni Senate Majority Leader Vicente Sotto, na illegal o unconstitutional ang RH Bill partikular ang probisyon nito na nagsusulong ng contraceptives.

“Magkakabanga kung magkakabangGa sIya, pero siguro ang magagawa rito, ayusin nila ang RH Bill, alisin nila ‘yung paggamit at pagbili ng contraceptive na abortifacient and it is unconstitutional, it’s illegal, ayusin nila,” ayon kay Sotto.

Para naman sa chairperson ng committee na si Sen. Pia Cayetano na siyang may hawak sa dalawang panukala, hindi makaaapekto ang Unborn Child Protection Bill sa RH Bill dahil malapit nang matapos ang panukalang  suportado ng Malakanyang.

Gayunman sinabi ni Cayetano na maaaring mapasama sa committee report ng RH Bill ang ilang nakuhang impormasyon sa ginawang public hearing kaugnay ng Unborn Child Protection Bill.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply