Producer ginisa ang mga talent sa sariling mantika

KAHABAG-HABAG ang nangyari sa isang singer na ginamit pa ang kanyang keps para lamang kumita. Pagkatapos nitong magpalaway sa isang negosyanteng sugarol, inubos naman ng producer ang kanyang kadatungan.

Matindi ang produ na ‘to. Walanghiya. Gahaman sa pera. ‘Yung singer ngang alaga niya 10% ang kinakaltas sa talent fee nito, at ang kontrata nito ay lima-limang taon.

Anyway, itong naunang singer na binanggit namin ay talagang nasimot ang kuwarta dahil lamang sa paggamit ng label at pag-release ng kompanya nito sa album na prinodyus n’ya.

Humingi pa ng karagdagang bayad ang produ para naman daw sa promosyon ng album niya, pero hindi naman masyadong na-market ng una. Katunayan, kumuha pa ng sariling mga PRs ang singer dahil napansin nitong tutulog-tulog sa pansitan ang kapitalistang ganid.

Sa milyones na ginastos ng mang-aawit na ito, ang bumalik sa kanya ay daang libo lamang. Dahil dito, ibinenta niya ang dalawang condo na ang isa rito ay galing pa sa papa n’yang adik sa sugal.

Kaya naman niya ibinenta ang mga nasabing condo ay para may magamit siyang pera sa pagtatago n’ya. Hiyang-hiya kasi sa mga kaibigan niya si singer.

Samantala, ‘yung isa namang singer/manager, nakipagsosyo sa produ na ito, pero ang lahat ng gastos ay galing lang sa una at laway lang ang kapital ng huli.
Bale ang pinagmamalaki lang ng lintek ay ang sikat daw na kompanya niya na bangkarote naman.

Imagine, inutangan pa nito si singer/manager ng tatlong milyon para raw mas mapalawak pa nito ang kanyang kompanya at mai-push pa ng husto ang singing career ng mang-aawit.

Wala din namang nangyari. At sumpa ng mga anitong gala, hanggang ngayon ay hindi pa nakababayad si produ.

Ngayon, si kumag ay pabuntot-buntot na lang sa isang mayabang na personalidad na katulad n’ya ay sugapa din sa datung. Ito naman ang ginigisa niya sa sarili nitong mantika.

Giatay!

Ipasipsip ko kaya sa Malabanan ang tiyan nitong napakalaki para lumabas ang mga nilafangga niyang masasarap na food dahil sa panlalamang at panggugulang sa kapwa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply