Produksiyon ng coco sugar pabor sa coco farmers

HINDI lahat ng matamis ay mula sa sugarcane o tubo ayon sa magsasaka ng tubo at kinilalang Magsasaka Siyentista (MS) na si Rafael Monfort ng Cadiz City, Negros Occidental.

Ito ang kaniyang napatunayan matapos na matuklasan ang sugar o asukal, na isa na namang pakinabang mula sa niyog, na kilala sa taguri na ‘tree of life’.

Para kay Monfort, ang pagkakatuklas ng coco sugar mula sa sariwang laman ng niyog ay nakadagdag sa maraming pakinabang mula sa niyog.  Hindi lamang matamis ang coco sugar subali’t mas masarap pa ang tamis nito keaysa sa asukal na mula sa tubo.

Ayon kay Monfort, magbubukas ng isang magandang oportunidad ang coco sugar para sa mga magsasaka ng niyog na nagbabalak na pumasok sa agri-business.

Ang coco sugar ay hindi lamang isang healthy sweetener subali’t maibibilang na low-calorie food product na angkop para sa health enthusiasts at diabetics dahil sa ‘low glycemic index’ nito.

“It’s high time that coco sugar be recognized as an important sweetener next to muscovado sugar. In fact, what’s interesting is that coco sugar makes more money than muscovado,”  pahayag pa ni Monfort.

Dahil sa pagkakasangkot sa research at technology development, partikular sa organic farming, kinilala si Monfort bilang Magsasaka Siyentista ng Farmers Information and Technology Services (FITS) Center na naka-base sa  Office of the Provincial Agriculturist (OPA) sa Negros Occidental.

Upang tumaas ang farm productivity at kita nito, ini-apply  ni MS Monfort ang science and technology-based innovations at ginamit ang mga local at katutubong materyales at farm wastes. Sa pamamagitan ng eco-friendly at sustainable farming, nakamit ni Monfort ang reduced production cost at good quality produce.

Si Monfort ay kinilala bilang MS ng Western Visayas Agriculture and Resources Research and Development Consortium (WESVARRDEC) noong 2006.

Noong 2009, nakita ni MS Monfort ang iba pang potensiyal ng niyog kasama ang kaniyang business partner na si  Lope Consing, kapwa ng Cadiz na nagma-may-ari ng  Marfori Consing Farms sa Mati, Davao Oriental.

Ginamit nila ang 200-ektarya ng lupa na pinagtatanaiman ng niyog para sa copra at mula dito ginamit nila ang 2-ektarya ng lupain para sa produksiyon ng coco sugar.

Nitong Pebrero 2010, nai-produce nila ang kanilang kauna-unahang coco sugar sa pamamagitan ng old-fashioned at laborious cooking methods sa ayuda naman ng Philippine Coconut Authority (PCA)

Ang Marfori Consing Farms ay ang unang farm na nakapag-produce ng coco sugar sa Davao Oriental. Ang coco sugar ng Marfori sa ilalaim ng Marfori at Glow labels ay ibinebenta na ngayon sa Bacolod at specialty stores sa Kamaynilaan.

Binabalak nina Monfort at Consing ang pag-e-export ng coco sugar sa United States at Europe na may distinct market para sa produkto, kapag nabigyan na ng  permit ng Bureau of Food and Drugs.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply