Produksiyon ng white corn palalawakin ng gobyerno

MAGLALAAN ang gobyerno ng  halagang  P7 milyong piso kada taon sa susunod na limang taon  upang mapondohan ang programang pagpapalawak ng produksiyon  ng low-glycemic na puting mais hindi lamang para sa programa ng seguridad sa pagkain kundi layunin ding makatulong upang mabawasan ang pagkakasakit ng diabetes.

Napag-alaman na halos 20 porsiyento ng mga Filipino, partikular sa Visayas at Mindanao, ay mahilig kumain ng white corn na mayaman sa nutrisyon kumpara sa bigas sa bansa.

Kaiba sa bigas, ang white corn  ay may  low glycemic index (GI) na tumutulong sa mabagal na pagtunaw sa pagkain kung kaya gradual na nakakapag-release ito ng glucose sa ating dugo at nababawasan ang banta ng diabetes.

Ayon sa  Department of Agriculture (DA) naglabas na sila ng pondo ukol sa  seed production ng white corn sa Los Banos, Laguna at plano na maipagpatuloy ito bawat taon .

Ang  Institute of Plant Breeding-University of the Philippines in Los Banos (IPB-UPLB), na siyang producer ng buto ng mais ay nagrerkomenda ng ibang variety, gaya ng  high-yielding  IPB Var 6  na halos katulad ng  commercial white corn hybrid.

Batay na rin sa national corn testing,  ang IPB Var 6 sa Luzon ay may average production na 5.84 metric tons (MT) bawat ektarya, 5.45 MT kada ektarya sa Visayas at 4.47 MT naman kada ektarya sa Mindanao.

Ayon kay Dr. Artemio M. Salazar, UPLB-IPB deputy director and National Corn RDE (Research, Development, and Extension) Network head, hindi kailangan dito ang malaking kapital para sa irigasyon dahil kahit saan aniya itanim ang mais ay tumutubo ito.

Kinakailangan lamang nito ang rice mill na nagkakahalaga aniya ng may P100,000, mas mababa kumpara sa milyong halaga ng ibang makina. Alex Ching

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply