Produksyon ng palay, tinutukan

PUSPUSAN ang pagtataguyod ng Department of Agriculture (DA) ng mga proyekto upang mapataas ang produksyon ng palay sa buong bansa.

Ang pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay ng mga mamamayan sa lalawigan ng Oriental Mindoro at maging sa maraming bahagi ng bansa.

Subalit dahil sa mabilis na paglaki ng populasyon, nagkakaroon ng kakulangan sa suplay ng bigas.

Dahil dito, puspusan ang pagsusulong ng DA ng mga proyekto para sa pagpapataas ng antasng produksyon ng palay.

Sa pakikipag-tulungan ng DA, pamahalaang panlalawigan at pamahalaang bayan ng Naujan ay ginanap ang “Kayamanan sa Palayan” Harvest Festival sa Barangay Tigkan, Naujan kung saan ang isa sa mga pangunahing aktibidad ay ang pagbabahagi ng makabagong teknolohiya sa pagtatanim ng palay sa mga magsasaka upang mas higit na mapataas ang ani o produksiyon ng bigas.

Sinabi ni Naujan Mayor Maria Angeles Caranzo-Casubuan na kung makukuha lamang ng mga magsasaka ang makabagong teknolohiya sa pagtatanim ng palay ay mas uunlad ang mga magbubukid.

Naging panauhin sa programa sina OIC-Provincial Agriculturist Petronilo L. Dimailig at Dr. Fresco Malabanan, Technical Consultant ng SL Agritech Corp., isang pribadong kumpanya na nakahandang makipagtulungan sa pamahalaang panlalawigan na maiangat ang antas ng pagsasaka at sa kalaunan ay mapabuti ang pamumuhay ng mga magsasaka sa lalawigan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply