Proteksyon kay Mendiola hindi kakanselahin

SA kabila ng pag-alis nang walang permiso ni Alfred Mendiola sa kustodiya ng Department of Justice (DOJ) Witness Protection Program, hindi pa rin kakanselahin ng DOJ ang provisionary protection na ipinagkaloob sa kanya.

Naniniwala si Justice Secretary Leila de Lima na  kailangan nila si Mendiola para tumestigo laban sa  magkapatid na Raymond at Roger Dominguez sa Lozano-Evangelista carnapping with murder case.

Gayunman, binalaan ng Kalihim si Mendiola na sakaling maulit ang paglabag sa kasunduan hinggil sa provisional coverage sa WPP ay hindi sya mangingiming kanselahin iyon.

Nilinaw ni De Lima na naipaliwanag naman daw ni Mendiola ang dahilan ng pag-alis niya sa WPP kung kaya mananatili pa rin siya sa ilalim ng naturang programa.

Sa ngayon ay pansamantalang mananatili si Mendiola a Bulacan Provincial Jail dahil hindi daw mapilit ng DOJ na bumalik sa safehouse si Mendiola, pero iyon subject pa rin sa desisyon ng korte.

Kaugnay nito, maghahain ng urgent motion and manifestation ang Witness Protection Program sa korte upang ipaalam na si Mendiola ay wala na sa safehouse ng WPP at ito ay nasa kustodiya na ng Bulacan jail.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply