Publiko kinalma ng FDA ukol sa lead content ng mga laruan

NILINAW ng Food and Drug Administration (FDA) ng Department of Health (DOH) na walang dapat na ipag-alala ang publiko sa mga laruang posibleng may mataas na lead content.

Sa isang pahayag, sinabi ni FDA acting director Dr. Suzette Lazo, patuloy ang monitoring ng ahensya laban sa mga naturang laruan.

Ang pahayag ni Lazo ay kasunod ng unang pahayag ng toxic watchdog na EcoWaste Coalition na anim sa 11 laruan na kanilang sinuri ang nagpositibo sa mataas na lead.

Ayon kay Lazo, regular silang nagsasagawa ng monitoring sa mga establisimyento na nagbebenta ng mga laruan.

Patuloy rin umano silang nagsasagawa ng market surveillance at testing sa mga laruang nabanggit.

“The toys will be tested for safety aspects related to mechanical and physical  properties, flammability and migration of certain elements. Non-compliant toys are  subject to recall and are disposed of,” ayon sa FDA.

Dagdag pa ni Lazo, lahat ng laruan na kanilang sinuri noong Disyembre 2010 ay  pumasa naman sa safety standards.

Kaugnay nito, pinayuhan naman ng FDA ang mga magulang na kung bibili ng laruan ay tiyaking pumasa ang mga ito sa safety standards.

Dapat ding siguruhin ng mga ito na angkop ang mga laruan sa edad ng kanilang mga anak upang matiyak na ligtas ang mga ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply