Puerto Princesa nagwagi sa swimsuit competiton

Si Jonavi Raisa Quiray ng Puerto Princesa suot ang animal-inspired swimsuit na siyang tumulong sa kanyang panalo ng Best in Swimsuit Award.

NAKADAGDAG pa sa init ang Miss Philippines-Earth 2011 nang umarangkada ang 50 canditdates habang suot ang iba’t ibang printed at animal-inspired swimwear sa kakaganap lamang na Swimsuit Competition sa Golden Sunset, Calatagan, Batangas.

Ang nagwagi naman ng Best in Swimsuit Award ay si Jonavi Raisa Quiray buhat ng Lungsod ng Puerto Princesa.

Noong 2010, inangat ni Quiray ang Pilipinas sa “international map of beauty” nang siya ay ituring na reyna sa kauna-unahang Miss ASEAN TV Charm sa Vietnam nang lumutang ang kanyang ganda sa iba pang kandidato ng mga Southeast Asian nations. Siya rin ang Mutya ng Pilipinas International 2008 titleholder.

Ipinrisenta rin ni Ricky Reyes, may-ari ng Ricky Reyes chain of salons at Golden Sunset Resort and Spa, ang dalawang awards; ang Miss Golden Sunset ay iginawad ni Michelle Gavagan ng Las Piñas City, habang ang Gandang Ricky Reyes Award naman kay Muriel Orais na dangal ng Cebu.

Sa ika-11 taon ng MIss Philippines-Earth, isinusulong pa rin nito ang pampublikong kamalayan patungkol sa iba’t ibang environmental issues kung saan ngayon taon, ang tanghalang ito ay isinusulong ang pagkasira ng mga kagubatan ng bansa.

Abangan lamang ang sampung candidates na magpapasiklaban para pinagaagawang korona sa unang elimination round ng Miss Philippines-Earth 2011 sa Mayo 6 na Long Gown Competition na gaganapin sa Calapan, Mindoro.

The Miss Philippines-Earth 2011 grand coronation night will be on Sunday, June 5 at the Puerto Princesa City Coliseum, telecast live on ABS-CBN 2 at 10:00 PM.

Ang grand coronation night naman Miss Philippines-Earth 2011 ay gaganapin sa Hunyo 5 sa Puerto Princesa City Coliseum at mapanunuod naman ng live sa ABS-CBN 2 ng alas-diyes ng gabi.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply