Pulis-Albay, binoga ang pinopormahang dalaga

MINSAN pang napatunayan na ang numero 13 ay may kahalong kamalasan lalo pa kung ito ay natapat sa araw ng Biyernes.

Ito ay makakaraang magdilim ang paningin at barilin ng isang opisyal ng Philippine National Police (PNP) ang kanyang babaeng nililigawan sa Albay ngayon, Biyernes.

Sumuko naman agad ang suspect na si P/Insp. Carl Jason P. Dela Cruz, tubong-Nueva Ecija, nakadestino bilang deputy chief of police sa Pioduran Municipal Police Station sa lalawigan ng Albay.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas-9:30 ng umaga sa mismong bahay ng biktima.

Bago ito, nadatnan ng suspek na nasa bahay ang isang Antonio Lorcha na sinasabing pinili umanong maging nobyo ni Aydalla kaysa sa suspect.

Nang pagdiliman ng paningin, binaril ng suspect sa ulo, leeg at kaliwang kamay ang dalaga bago binarilin din si Lorcha sa katawan na nasa ngayon ay nasa malubhang kalagayan sa ospital.

Sinasabing pagseselos ang ugat ng krimen dahil mas pinili ng suspek na tapusin ang buhay ni Aydalla kaysa mapunta sa piling ni Lorcha.

Sasampahan ito ng kasong homicide dahil sa pagpatay sa biktimang si Eugene Aydalla Y Mabelin, 32, ng Guevarra Subdivsion, Albay.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply