Pulis hindi nagtatrabaho, pautangan ang inaasikaso

MALUPIT talaga itong si Police Chief Inspector Lailani Trasadas, Deputy Office of Legal Service, PNP Region VI, Camp Delgado, Iloilo.

Talaga umanong makapal ang muks dahil sa ginagamit nito ang pasilidad ng PNP para sa pansarili niyang negosyo na pagpapautang sa mga pulis, yung pa-5/6.

Ayon sa sumbong, may lending business itong si Trasadas at sa opisina niya mismo sa PNP Camp Delgado ino-operate kanyang negosyo.

Kapag hindi nakapag bayad umano ang mga may utang na kabaro niya, ginagamit nito ang kanyang puwesto bilang opisyal ng pulis at pumupunta sa radio room upang radyohan ang mga may utang na pulis at sabihing mag-report sa kanya na naka-complete uniform at tatakuting sasampahan ng administratibong kaso.

Kapag kumukuha umano siya ng tseke sa iba’t ibang finance center ay pumupunta umano ito  na naka-police uniform upang magamit ang pagiging pulis at para maasikaso agad siya.

Ayon sa ulat, kumikita ng milyones kada taon ang tiwaling si Trasadas sa pagpapautang sa umaabot na 3,000 PNP members sa buong Region VI.
Hiniling ng mga nagsumbong na baguhang pulis na imbestigahan ni DILG Sec.J esse Robredo ang kanilang sumbong dahil mas prayoridad ni Trasadas ang negosyong pagpapautang kaysa sa trabaho nito bilang pulis.

PULIS NA UBOD NG LAKAS SA PNP

Isang Jigs Servillon ng Eastern Police District ang super lakas sa mga official ng Philippine National Police. Kahit iligal ang ginagawa ay hindi siya sinisibak ng kanyang hepe. Gambling operator ng mga VK at bookies ng karera at tong-collector din ng mga pasugalan at iba pang vices.

Ipinangongolekta naman niya ang NRCPO, CIDG, EPD at ang Pasig Police.
Anomang mga reklamo o puna ay itext lang sa 0918-9274764,09266719269 o email juandesabog @ yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply