Pulis na may alagang holdaper namamayagpag

DAPAT daw na paimbestigahan ng Quezon City Police District (QCPD) sa pamumuno ni Supt. George Regis ang isang pulis na nagngangalang ‘Bugal.’

Sa halip daw na ang mamang pulis na ito ang  manguna para hulihin ang mga naglulunggang holdaper sa kanilang lugar sa Regalado St., Fairview, Q.C., ang mamang pulis daw na ito ang siyang nag-aalaga pa ng mga holdaper na ito!

Kung totoo ang ibinibintang kay ‘Bugal’ ay dapat gumawa ng aksyon si Supt. Regis para maputol na ang mga ginagawang kasamaan ni ‘Bugal’ sa nasabing lugar.

Basahin natin ang nilalaman ng text message ng isang concerned citizen.

Gud pm, Sir Johnny. Pakiimbestiga lang yung pulis dito na si Bugal sa Regalado St., Fairview, Quezon City.

Kaya hindi mahuli lahat ang mga holdaper dito ay siya ang pinuno ng mga holdaper.

May mga tauhan siya.

Si Bugal ay taga-Brgy. Balire, Barugo, Leyte pero dito siya nagju-duty.

Ang dami na nilang nahoholdap, tapos siya ang kunwari ang magreresponde. Pero pagkatapos, wala na.

Pinatatakas kasi niya palibhasa’y mga tauhan niya.

Ang mga holdaper na hawak niya ay sina Lanante, Bugal at marami pang iba.

Sana, Sir Johnny, pakilathala ito para umaksyon ang mga kapulisan.

Salamat!

KUMPARE NI PD ANG OPERATOR NG VK

Sa Pampanga sa teritoryo ni PD Supt. Edgar Tinio, isang Bert Bautista alyas BB ang sinasabing na nagmamay-ari ng sangkatutak na video-karera (VK) sa buong  Pampanga.

Nakopo ni Bert Bautista ang operasyon ng mga VK sa buong Pampanga sa tulong ng kanyang kumpareng si Supt. Tinio.

Walang sinomang VK operator na makapaglalatag ng mga VK sa Pampanga nang hindi mag-a-umbrela kay Bert Bautista.

Si BB ang may kontrol.

oOo

Anomang reklamo o puna  ay itext lang sa 0918927-4764, 09266719269 o email juandesabog@yahoo. com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply