Pulis niratrat ng 5 kalalakihan, kritikal

NASA kritikal na kondisyon ngayon ang isang pulis makaraang pagbabarilin ng limang lalaki Sabado ng umaga, Mayo 21 sa Naga City, southern Cebu.

Batay sa ulat ng pulisya ang biktima na kinilalang si Police Officer 2 Antonio Icalina ay natagpuan ng nagpapatrulyang police team habang duguang nakahandusay sa Barangay Langtad, Naga dakong 6:45 ng umaga

Bago nawalan ng malay, nabanggit ni Icalina sa kasamahang pulis na limang lalaki ang humarang sa kanya sa Sitio Mohon, Langtad at pinaputukan umano siya ng sunod-sunod sa paa at iba’t ibang bahagi ng katawan

Bagama’t duguan nagawa pa ng biktima na gumapang ng may 130-feet hanggang makarating malapit sa national highway.

Dinala ng mga pulis ang biktima sa South General Hospital sa Naga para malapatan ng lunas.

Inatasan na ni Senior Inspector Rolando Evalle, Naga police chief, ang kanyang tauhan na magsagawa ng masusing imbestigasyon kaugnay sa naganap na pamamaril kay Icallina.

Ayon kay Police Officer 1 Ronjie Nadorra, Naga City desk officer, inaalam din kung ano ang motibo sa pamamaril at ang pagkakakilanlan ng mga salarin.\

Inaalam din ng awtoridad kung ano ang ginagawa ni Icalina sa Mohon dahil kilala ang naturang barangay na “drug heaven.”

Nabatid na si Icalina ay tubong Mandaue City at natalaga sa Naga bago siya nalipat sa bayan ng Tudela.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply