Pulis patay sa barangay kagawad

SABOG ang bao ng ulo ng isang kagawad ng pulisya makaraang barilin ng tatlong beses sa kanyang ulo ng nakaalitang barangay kagawad sa Quezon City Biyernes ng gabi, Mayo 6.

Namatay noon din sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si PO3 Jose  Lisay Dequilla,  44, nakatalaga sa Cubao Police Station 7 ng Quezon City Police District (QCPD)  sanhi ng tinamong tatlong tama ng bala sa ulo.

Arestado naman ang itinuturong salarin na kinilalang si Dionisio Desierto, 52, kagawad ng Barangay San Martin De Porres, Cubao, Quezon City.

Batay sa ulat ni PO3 Elmer Perez, desk officer ng naturang himpilan ng pulisya, naganap ang krimen dakong alas-9:00 ng gabi sa paradahan ng tricycle sa may Benitez st. cor. Mecca Alley, Brgy. San Martin De Porres.

Lumilitaw  sa imbestigasyon na nagalit  umano at minura ni PO3 Dequilla ang driver ng tricycle na tumangging ihatid  siya sa Cubao Police Station .

Sa takot ng  driver na ayaw ipabanggit ang pangalan, iniwan niya ang  tricycle at pumunta sa barangay hall  at isinumbong kay Desierto ang pulis na nagalit  at nagmura  sa kanya.

Sinamahan ng kagawad ang driver patungo  sa iniwan nitong  tricycle at naroon pa rin ang pulis.

Nang kausapin ni Desierto si PO3 Dequilla para alamin ang problema, sa halip na  sagutin  siya ng maayos  ay pinagalitan pa umano siya ng nasabing pulis hanggang sa mauwi  sila  sa mainitang  komprontasyon.

Sa pagkakataong ito, mabilis na nabunot ng suspek ang kanyang baril bago pa man makabunot ang biktima at pinutukan niya ito ng tatlong beses sa kanyang ulo. Alex Ching

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply