Pulis patay sa Baclaran clearing operations

NAGSAGAWA na ng manhunt operation ang mga tauhan ng Parañaque City Police laban sa suspek na bumaril at nakapatay sa isang pulis habang nagsasagawa ng clearing operation sa area ng Baclaran, Miyerkoles ng gabi sa Parañaque City.

Inatasan na ng Parañaque Police Chief Sr. Supt. Nestor Pastoral ang kanyang mga tauhan upang ang hindi pa pinangalanang suspek na bumaril sa nakapatay kay PO3 Maphilindo Prades.

Naisugod pa sa San Juan De Dios Hospital ang 47-anyos na biktima, nakatalaga sa Special Operations Group (SOG) ng Parañaque City Police at residente ng Blk 5 Lot 10 GPL-1 Ext. Malagasang Anabu II, Cavite subalit binawian ng buhay sanhi ng tama ng bala sa batok na tumagos sa kanang bahagi ng kanyang noo.

Batay sa imbestigasyon nina SPO4 Odeo Carino at PO3 Reynaldo Serafica ng Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS) ng Parañaque police, pinangunahan ni Parañaque police chief Sr. Supt. Nestor Pastoral ang paglilinis sa kahabaan ng Redemptorist Road sa Barangay Baclaran, kasama ang biktima, matapos na okupahin muli ang naturang lugar ng sidewalk vendors.

Nang maitaboy ang vendors pasado alas-7 ng gabi, nauna na umanong umalis si Pastoral subalit naiwan pa si Prades upang matiyak na hindi na magbabalikan pa ang mga vendors.

Dakong alas-7:40 ng gabi nang bigla na lamang barilin ng isang hindi pa kilalang salarin ang pulis sa batok bago umangkas sa naghihintay na motorsiklo at mabilis ng tumakas.

Tiniyak naman ni Pastoral na hindi ang pagkakapaslang kay Prades ang pipigil sa patuloy na pagsasagawa nila ng clearing operation sa Baclaran habang puspusan na ang pagtugis nila sa pumaslang sa naturang pulis.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply