Pulpul pasok sa World Ten Ball Championship

TUTUMBOK sa pangatlong sunod na pagkakataon si Pinoy cue artist Demosthenes “Plong-Plong” Pulpul sa magaganap na World Ten Ball Championship ito’y matapos makakuha ng ticket sa qualifying stage.

Tinalo ni former WTBC semifinalist Pulpul si Edgar Acaba, 9-2, sa penultimate day ng qualifying stage na ginaganap ngayon sa Star Billiards Center.

Bago nilampaso ni Pulpul si Acaba giniba muna nito ang 17-year-old na si Jonas Magpantay sa semifinal round.

Walang kahirap-hirap na nakapasok si Pulpul sa qualifier no. 8 habang si Guo Hoa ng China ay pahirapan ang pagkuha nito ng slot matapos makipagdikdikan kay Edgie Geronimo.
Nanalo si Hoa kay Geronimo, 9-8.

“I thought I was going to lose the match because of how the way he was able to make the first two balls,” sabi ni Guo na kasama ang interpreter niyang si Joyren Ting. “But both players really deserve to win the match as both of us played our hearts out.”

Pangatlong Filipino si Pulpul na nakapasok sa main draw na gaganapin sa Mayo10 hanggang 15 sa World Trade Center. Nauna sa kanya sina Allan Cuartero at former Asian Gold Medalist Antonio “Gaga” Gabica.

Ang ibang nakalusot para tumumbok sa nasabing prestihiyosong event kung saan ay suportado ng Billiards & Snookers Congress of the Philippines, (BSCP) at Raya Sports ay sina Chang Yu Lung ng Chinese Taipei, Tamoo Takano ng Japan at Yang Ching Shun ng Chinese Taipei. ELECH DAWA

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply