Pusakal na drug pusher arestado

ISANG pusakal na drug pusher ang bumagsak sa kamay ng mga tauhan ng Malabon police matapos maaktuhang may dalang mga pinatuyong dahon ng marijuanan Huwebes ng hapon, Mayo 5, sa Barangay Bayan Bayanan Malabon City.

Ang suspek na kasalukuyang nasa custody ng Drug Enforcement group ng Malabon police ay nakilalang si Jover Rivera, 34.

Dakong alas-4:30 ng hapon ng maaktuhan ang suspek na hawak ang isang plastic bag na naglalaman ng 140 piraso ng tea bag ng pinatuyong marijuana na nakatakda sanang ipakalat at ipagbenta sa mga kabataan sa nasabing lugar.

Habang palabas ang suspek sa kanilang bahay bitbit ang nasabing plastic bag na nag kakahalaga ng mahigit sa P10,000, agad dinamba ng mga pulis si Rivera at kinuha ang dala nitong mga marijuana.

Ayon sa pulisya, si Rivera ay isa sa mga pusakal na nag bebenta ng mga iligal na droga sa kanilang lugar. Roger Panizal

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply