Pwersahang paglilikas sa South Cotabato iniutos

DAHIL sa banta ng landslide, iniutos na ng provincial government ang pwersehang paglilikas sa may 100 pamilya ng Barangay Danlag, Tampakan, South Cotabato

Ayon kay Constancio Paje, regional director ng Department of Environment and Natural Resources (DENR)-Mines and Goesciences Bureau (MGB) 12, dapat na ilikas ang mga mamamyan sa nasabing lugar dahil anumang oras ay maaaring magkaroon ng landslide na bunsod ng patuloy na pagbuhos ng ulan sa lalawigan.

Base sa survey at assessment ng MGB-12, nabatid na nasa high risk ang lugar dahil bulubundukin ang bahaging ito ng bayan ng Tampakan.

Anila, hindi imposible ang landslide anumang oras kung magpapatuloy pa ang pagbuhos ng malakas na ulan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply