QCRTC Judge Vargas pinai-inhibit ni Ivler

PINAG-INHIBIT muli ni road rage suspect Jason Ivler si Judge Bayani Vargas ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) Branch 219 sa paghawak ng kanyang kasong murder hinggil sa pagpatay niya kay Victor Ebarle, Jr.

Sa open court,  sinabi ng abogado ni Ivler na si Atty. Edward Ong na maghahain sila ng pormal na motion for inhibition laban kay Vargas.

Binigyan naman ito ng 10 araw ni Vargas para maisumite ang mosyon.

Ayon kay Atty. Ong, naniniwala si Ivler na hindi ito makakakuha ng patas na paglilitis kay Vargas matapos i-contempt ang ina nitong si Marlyn Aguilar-Pollard at patawan ng multang P20,000 matapos hamunin ng suntukan ang hukom.

Maliban dito, marami rin umanong  hindi naaksyunan si Vargas sa mga hiling ni Ivler gaya ng medical confinement o muling pagkaratay sa ospital.

Sinabi naman ni State Prosecutor Richard Padullon na tutol sila sa pagpapa-inhibit kay Vargas dahil tama ang naging desisyon nito na i-contempt si Marlyn.

Si Vargas ang pangalawang hukom na humawak ng kaso ni Ivler matapos mag-inhibit ang unang hukom na si Judge Alexander Balut.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply