Quick response teams ng DPWH handa na

NAKAHANDA na ang Department of  Public Works and Highways Disaster Quick Response Teams at  ikinalat na sa mga kritikal na bahagi ng mga national roads sa   Western Visayas, Bicol Region, Cagayan Valley Region at  Northern Luzon  bilang preparasyon sa pagbagsak sa kalupaan ng bagyong  “Chedeng” sa Miyerkules, Mayo 25.

 Sa ilalim ng  Department Order No. 38, nag-utos si Secretary Rogelio L. Singson simula ngayon sa mga  quick response team sa bawat DPWH regional at district office  na magsumite  ng  Bureau of Maintenance situational reports sa mga  major/secondary national roads  at mga tulay  sa kada  anim na  oras tuwing sumasapit ang mga kalamidad tulad ng bagyo  upang maging maagap ang pagkilos at pagtalima ng mga tauhan ng response teams.

Ang DPWH Quick Response Team ay kinabibilangan ng mga road maintenance crew tulad ng mga mekaniko, at mga kagamitan tulaad ng chainsaw at portable rechargeable na ilaw para sa mga debris clearing operations, dump trucks at back hoe kung may landslides at service na sasakyan sa mga rumeresponde sa mga emergency sa mga kalsada.

Ayon naman kay DPWH Undersecretary for Regional Operations Romeo S. Momo, nagsagawa na ang regional at district offices ng mga drainage declogging at vegetation control operation sa kahabaan ng mga national roads at highways upang maiwasan ang mga pagbaha sa tag-ulan. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply