Raliyista kinanyon, 19 patay sa Syria

UMABOT ng 19 ang kumpirmadong patay at marami ang nasugatan matapos bombahin ng mga tanke ang ilang residential district sa dalawang bayan sa Syria.

Paraan umano ito ng mga security forces para takutin ang mga protestors na humihiling sa pagbaba sa puwesto ni President Bashar al-Assad.

Nabatid na sa bayan palang ng Harra ay tinatayang 13 na ang napatay na mga demonstrador, ayon kay Ammar Qurabi, hepe ng National Organization for Human Rights sa Syria.

Kaugnay nito, nag-withdraw na ang Syria sa kanilang pagkandidato bilang miyembro ng United Nations Human Rights council.

“Syria’s bid was blocked by Asian states with the good sense to withdraw support from a country in the process of killing its own people on the streets, arresting thousands and terrorizing a population that is seeking to express itself through largely peaceful means,” pahayag ni U.S. Ambassador Susan Rice.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply