Rapist na may STD nadakip

MATAPOS ang isang taong pagtatago ay nadakip ng mga tauhan ng Camarines PNP ang isang 40-anyos na lalaki na sinasabing gumahasa sa kanyang step daughter at hinawahan pa ng sexually transmitted disease (STD).

Ayon sa ulat na umabot sa Camp Crame, sa bisa ng inisyung warrant of arrest ng korte ay inaresto si Ernesto Bausa Y Fausto, magsasaka sa Barangay Carangcang, Magarao, Camarines Sur.

Nabatid na nagtago si Fausto matapos na ipagharap ng kasong two counts of rape ng anak ng kanyang live-in partner.

Base sa report ni P02 Vicente Calungi Jr., chief investigator ng Milaor PNP, naganap ang panghahalay sa menor de edad na biktima na itinago sa pangalang Amor sa tuwing wala ang ina nito sa kanilang tahanan sa Barangay Mayangpayawan, Milaor noong taong 2010.

Lumalabas na positibo din umano sa sa STD ang suspect at pati ang kanyang dalagitang biktima  ay nahawaan din nito. Verlin Ruiz

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply