Rating ni PNoy patuloy sa pagbulusok

ISINISISI ng mga kongresista sa patuloy na pagbaba ng popularity rating ni Pangulong Aquino ang mga sirkumstansyang gaya ng pagtataas sa presyo ng langis at mga pangunahing bilihin at kawalan ng aksyon ng administrasyon batay na rin sa pinakahuling SWS survey.

Ayon kay Negros Occidental Rep. Alfedo “Albee” Benitez na “public satisfaction is partly cause by economic factors. Recent fuel and commodities price increases must have pulled down ratings.”

Ganito rin ang naging pagtaya ni Aurora Rep. Sonny Angara sa pagsasabing “it’s probably a result of higher food prices and higher cost of living.”

Sa panig naman ni House Assistant Minority Leader at Zambales Rep. Mitos Magsaysay ay sinabi niyang inaasahan na ang ganitong mga pagbaba ng rating ng administrasyon dahil nananatiling wala itong malinaw na solusyon sa mga isyung bumabangon ngayon partikular ang ukol sa pagpapabuti sa buhay ng mga mahihirap.

“The administration failed to address the primordial concerns of the people like high prices of oil, transportation, basic goods, electricity and water.”

Ayon pa kay Magsaysay, ang kawalan ng aksyon ng gobyerno sa kahilingang dagdag sahod at benepisyo, mga huling pagtugon sa problema ng mga overseas Filipino workers  at kawalan ng direksyon sa pamumuno at labis na pamumulitika.

Sinabi naman ni Akbayan Partylist Rep. Walden Bello na malamang ang mababang rating na ito ay resulta ng mabagal na pagsugpo sa korapsyon.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply