Rayver nandidiri na kay Sarah

PILIT na pinalalabas ng kampo ni Sarah Geronimo that she doesn’t want to do a project with Rayver Cruz.  Medyo malabnaw yung alibi ni Sarah na the last time na kinausap niya si Rayver, lumikha na raw yun ng malaking sigalot. Kumbaga, nagselos daw si Cristine at ayaw na nitong maulit yun. To do that, di na lang daw siya sasali sa anumang project with Rayver.

Pero alam nyo ba na hindi true ang mga sinasabi ni Sarah G? Na sa true lang, anytime, okey lang na makasama niya sina Cristine at Rayver. But the thing is, si Rayver ang umaayaw kay Sarah. Si  Rayver mismo ang umiiswas sa kanya dahil nga selosa si Cristine Reyes. Sobrang mahal na ni Rayver si Cristine at di nito makakayang magkaroon sila ng problema nang dahil lang kay Sarah.

Kaya the next time na sasabihin ni Sarah na ayaw niyang makasama si Rayver, dismiss it. Kaya siguro ayaw ni Sarah dahil alam niyang ayaw din ni Rayver.

Pero kahit na kumplikado ang sitwasyon sige pa rin si Sarah sa pakikipagplastikan kay Cristine.  Pilit nitong ginagawang bida ang sarili sa isang eksenang sa totoo lang, siya’ng tunay na kontrabida. At a time na mismong si Rayver na ang nagsasalitang wife material si Cristine at anumang oras puwede na niya itong pakasalan, ayan si Sarah G, pilit pa ring sumasawsaw sa relasyon ng dalawa.

Mahaderic talaga gaya ng kanyang ina itong si Sarah Geronimo, di po ba?

***

Sayang na sayang si Jeanette Joaquin!

THIS Baywalk Bodies flag bearer is a superb performer.  Kahit saang pistahan ito naiimbita, andyan pa rin yung flair niya to give out some great performances. Nagkuwento kasi sa amin ang isang show promoter about this great girl at sinabi nitong lagi nilang naiimbita si Jeannette sa mga shows nito sa Nueva Ecija.

“Ang galing niyang mag-perform. Kahit nag-iisa, kaya niyang dalhin ang Baywalk Bodies. Kapag humirit siya sa kantahan at pagiging naughty onstage, riot talaga, solved ang mga nagpapista.”

“Ganun naman po dapat, dapat 100 percent talaga. Bakit pa ako aakyat sa stage kung kulang ang gagawin ko? Sa akin kasi, may bayad man o wala, isang level lang ang alam kong gawin, I give out my best at walang kulang ‘yun,” sabi pa niya.

Sa ngayon, nawawala na nga sa sirkulasyon si Jeannette. Parang tinanggap na nito ang kapalarang she’s down.  “I am really down, But I will never be out. Artista ako and I would remain one up the last breath of my soul,” pasakalye pa nito.

Kaya dun sa mga interesado sa kanyang services, be it as a performer onstage or movies, kahit sa television pa, Jeannette is just around, tawagan lang si Mother Lito De Guzman at ready pa siyang umariba to the max!

Hindi ba, Kuya Marco?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply