Re-imbestigasyon sa pagkamatay ni Gov. Nantes iniutos

LUCENA CITY— Si Pangulong Benigno Aquino III mismo ang nag-utus sa muling pag-imbestiga sa pagkamatay ng dating Quezon Gov. Rafael Nantes na namatay sa isang helicopter crash kasama ang kanyang 2 aides at piloto noong May 17, nakaraang taon.

Ito ay nabanggit ng nag-iisang anak ng yumaong gobernador, si Samuel nang idaos at gunitain ang unang taon ng kamatayan ng kanyang ama na ginanap sa Perez Park, ngayong araw, Huwebes, Mayo 19.

Libo-libong supporter ni Nantes na halos lahat ay nakasuot ng pulang damit ang nagtungo sa provincial capitol compound upang ipakita ang kanilang suporta at simpatya sa yumaong pinuno.

Sa panayam sa naulilang asawa ni Nantes na si Betty, kinumpirma nitong iniutos ni Pangulong Aquino sa pamamagitan ng inilabas na executive order sa Department of Transportation and Communications (DOTC) na magkaroon ng  reinvestigation sa pamamagitan ng Civil Aviation Authority of the Phils. (CAAP), isang ahensya na responsable sa pagpapatupad ng polisiya patungkol sa civil aviation upang masiguro ang kaligtasan ng paglalakbay sa kalawakan.

Si Mrs. Nantes, director ng Philippine Charity Sweepstakes Office, ay nagsabing ang pangulo ay nagpalabas ng nabanggit na kautusan ayon  na rin sa kanyang kahilingan, upang mabigyan ng linaw ang misteryosong pagkamatay ng kanyang asawa.

Ang namayapang gobernador ay dating national treasurer at provincial chairman ng Liberal Party, at kilalang mabuting kaibigan ni Pangulong Aquino mula pa noong panahong pareho pa silang mga kongresista.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply