Regine Velasquez ginigimik ang kabuntisan niya kay Ogie Alcasid

HALOS nga raw lahat ng pinaglilihihan ni Regine Velasquez ay sinusunod ni Ogie Alacasid mabuo lang ang beybi na nasa sinapupunan ni Regine.

Kahit nga pinagpapahinga na ni Ogie ang kanyang misis at siya na lang ang kakayod ay parang hindi naman sana’y ang Asia’s Songbird na manatili at maghintay na lang kay Ogie sa pag-uwi nito.

Kaya naman pinayagan na rin ni Ogie ang misis na kahit sa “Party Pilipinas” ay makalabas-labas ito dahil true, love na love ni Regine talaga ang pagkanta.

Kung si Ogie at Regine ang masusunod ay gusto nilang lalaki na anak dahil parehong babae na ang anak ni Ogie sa kanyang ex na si Michelle Van Eimmeren.

Ang mahalaga nga raw ay itong hindi na siya dumaan sa artificial insemenation at natural na natrural ang kanyang pagbubuntis.

Si Ate Vilma Santos ba ang pinaparinggan? Well, well, well…

Congratulations!

oOo

Faith Vargas itutumba ang forever shadow at copycat ng Megastar na si Faith Cuneta

HINDI naman maikakaila na isa sa pambato itong si Faith Vargas ng RATCAT Phils. na kung saan ay marami ang pumupuri sa kanyang husay sa pagkanta.

Kapansin-pansin na ibang klase kung humataw itong si Faith sa stage as in perfomance level ang arrive at propesyonal na propesyonal.

Hindi raw tulad ng isang Faith Cuneta na nangsisino ng reporter. Kapag di raw niya kilala masyado  ang reporter kahit valid na fundraising daw ang dahilan, marami raw itong bola na kesyo pupunta siya sa abroad o di kaya ay mag-out-of-town at magpa-pramis daw ito na ang kanyang road manager na lang daw ang tatawag churva, pero ni-ha ni-ho di naman magko-call back. Tanungin ‘nyo na lang daw ang editor na si Evelyn Diao.

Ganyan daw ang ugali ng Faith Cuneta na ito kahit marami nang beses siyang isinulat ng mga nag-iimbita sa kanya na hindi nga lang iprinisinta sa kanya, ay pa-dedma-dedma lang daw ito. Kaya naman pala she does not sit well with Sharon Cuneta who is really mega totoo ng angking kagandahang-asal in and out of showbiz.

Not like Faith Cuneta na dapat pangalanan ng Queen of Deadma o di kaya Queen of Nothing na kahit passé na siya sa pagkakanta ng theme song ng telenovela ay siya pa ring ginagamit niya kung saang bondoocks siya kumakanta dala-dala ang Queen of Telenovela. Nasaan? Twenty years na ‘yun, ‘ Day tigil mo na. Marami nang ibang singers na kumakanta ng theme song ng mga telenovelas. Itigil mo na ang fantasy mong “queen” ka. Saan at kalian? Ang tanggapin mo na shadow ka lang talaga ng isang nag-iisang totoong Cuneta. Ayan ang nakuha mo dahil gusto mong sakyan si Faith Cuneta sa hangarin mong sisikat ka rin.  Resulta,  ang titulo dapat sa iyo ay “Queen of Shadow”  ni Sharon Cuneta, tama Evelyn Diao?

Mabalik nga tayo kay Faith Vargas.

Ang bonggang-bongga na ipinagmamalaki niya ito bilang isa sa pinaka-goldmine ng RATCAT Phils.

Bukod naman sa pagiging mahusay na mang-aawit itong si Faith, isa rin siyang tunay na ramp model, dancer at actress. E, si Faith Cuneta? Hanggang pang-shadow lang siya by comparison, di ba naman?

Kaya abangan si Faith kapag may show ang RATCAT Phils. sa Victory Mall sa Monumento, Caloocan City.
Congratulatons, Faith Vargas, hindi Cuneta, ha? Jovy Lloza

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply