Rehabilitasyon ng Buendia/ Osmeña flyover simula na

SIMULA na mamayang gabi, Mayo 6, ang pagkukumpuni ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Buendia/Osmeña flyover sa kahabaan ng Osmeña South Superhighway sa Makati City.

Ang P47-milyon halaga ng proyekto ay alinsunod sa adhikain ni Pangulong Benigno Aquino III upang makapagbigay ng ligtas na imprastruktura para sa mga motorista.

Apat na buwan ang inilaaan ng DPWH sa Tokwing Construction para tapusin ang structural safety ng fly-over.

Kapag natapos na ang rehabilitasyon nito, maiiwasan na lumubha ang sira nito at titibay pa laban sa mga kalamidad tulad ng lindol.

Handa naman ang Metro Manila Development Authority (MMDA) sa pagsasaayos at pagpapatupad ng rerouting plan na inilatag ng DPWH sa nasabing lugar.

Ito ay para masigurong hindi gaanong maapektuhan ng pagkukumpuni ang daloy ng trapiko.

Ang proyekto ay mahahati sa dalawang bahagi kung saan ang isang direksyon, ang northbound ng Osmeña Highway, ay isasara habang bukas naman ang southbound lane, na magiging two-way.

Kabilang sa sa gagawing rehabilitasyon ay ang epoxy injection ng mga cracks, pagsasaayos ng bridge deck superstructure sa pamamagitan ng epoxy grouting ng spalled concrete, at fiber reinforcement polymer (FRP) sa kahabaan ng railings, paggawa ng median barriers, at paglalagay ng electrical bridge lighting.

Papalitan din ng bago ang aspaltadong kalsada ng flyover.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply