Reklamo ng BIR walang batayan- Ligots

MULING iginiit ng mag-asawang sina Jacinto Ligot, dating AFP comptroller at Erlinda Ligot na walang basehan ang isinampang tax evasion case laban sa kanila ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Sa pagdinig ng kanilang kaso sa Department of Justice (DOJ) kaninang umaga, Mayo 15, ay nagsumite ang mag-asawang Ligot ng rejoinder kung saan iginiit ng mga ito na walang batayan ang reklamo ng BIR.

Kumpiyansa rin ang kanilang abugado na si Atty. Rafael Zialcita na maibabasura ang reklamo laban sa kanyang mga kliyente dahil bigong makapaghain ng matibay na ebidensya ang BIR.

Samantala, itinakda naman ni Assistant State Prosecutor Steward Mariano, ang piskal na may hawak ng kaso, ang clarificatory hearing sa ika-27 ng Mayo na siya na ring pinakahuling araw ng pagdinig na gagawin sa naturang reklamo.

Sa nasabing petsa ay inaatasan din ang panig ng BIR at ng mga Ligot na magsumite ng kani-kanilang memorandum na naglalaman ng buod ng kanilang mga pleadings.

Ayon sa BIR, aabot umano ng mahigit P400 milyon ang tax deficiency ng mag-asawang Ligot para sa taong 2001 hanggang 2004.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply