GMA nakinabang sa ‘pabaon’ – Alan Cayetano

MALAKI ang paniniwala ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na posibleng nakinabang si Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo sa multi-milyong pangungulimbat ng pondo ng Armed Forces of the Philippines ni dating military comptroller Carlos Garcia noong 2004.

Ibinulgar ni Cayetano na may natanggap umano siyang impormasyon noong tumatakbo sa pampanguluhan si Arroyo noong 2004 na nag-iipon ng malaking pondi si Garcia para sa mga kandidato ng administrasyon.
Hindi lang makumpirma ni Cayetano kung nakarating sa “war chest” ni Arroyo ang inipong pondo ni Garcia noong 2004 elections.

“Yung information during that time is that nag-fundraising siya para sa 2004 elections, that’s why at that time pa lang yung sabi nga na walang mangyayari sa kaso na ito ay dahil protektado ‘yan,” paglalahad ng senador.

Dagdag ni Cayetano: “So you can only assume that it was in the Arroyo government, kung siya mismo o kung umabot mismo sa Presidente, we don’t know, because the only person who can testify today is General Garcia.”

Ipinapalagay ng senador na kaya ipinasok ni dating Ombudsman Merceditas Gutierrez sa plea bargain agreement si Garcia ay upang hindi ito mapilitang ibulgar kung sino ang mga nakinabang sa pondo ng AFP, partikular ang nangyari sa halalan noong 2004.

Kung magiging state witness si Garcia, tiyak na ikakanta nito ang mga taong nakinabang at posibleng nag-utos sa kanya para galawin ang pondo ng AFP para magamit sa eleksyon.

“There’s incentive for him to testify because he got off the plea bargaining,”ani Cayetano.

Nitong nagdaang araw, inaprubahan ng Sandiganbayan ang plea bargain agreement ng Ombudsman at ni Garcia na ibabalik ng retiradong heneral ang mahigit sa P135 milyon nitong tagong-yaman at aakuin ang direct bribery, pero burado na ang plunder case nito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply