Rep. Singson nanumpa na

NANUMPA na ang bagong kinatawan ng unang distrito ng Ilocos Sur na si dating Vigan City Vice Mayor Luis Ryan Singson.

Siya ang kapalit ni dating Rep. Ronald Singson na nakapiit ngayon sa Hong Kong.

Pagbukas ng sesyon ng alas-4:00 ay pansamantalang nag-recess at ganap na alas-4:12 ay pinanumpa ni House Speaker Feliciano Belmonte si Singson.

Sinamahan si Singson ng kanyang ama na si Ilocos Sur Governor Luis Chavit Singson gayundin din si Sarangani Rep. Manny Pacquiao sa panunumpa sa harap ni Belmonte.

Nagsagawa ng special election sa unang distrito nang makulong si Rep. Ronald Singson.

Idineklara ang panalo ni Ryan Luis Singson, kapatid ni dating Rep. Ronald Singson,  bilang bagong kinatawan ng distrito makaraang makakuha ito ng botong 71,995, habang ang kalabang si Bertrand Baterina ay mayroon lamang 30,445 votes.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply