Reproductive health bill at mga kontraktuwal

PARAMI nang parami ang populasyon ng repablik ni Juan.

Kung hindi ito makokontrol sa pamamagitan ng RH Bill, darating ang araw na lalong kakapusin ang pagkain mula sa lupa at dagat, ispasyo para sa tirahan at pagkukunan ng mga pagkain, inuming tubig at kuryente at iba pa.

Ang lahat ng ito ay magiging pabigat sa pamahalaan na labis na umanong nabibigatan ngayon pa lamang sa paggastos para sa lahat ng mga pangangailangan ni Juan.
Pero ganito ba talaga ang larawan
ng tinubuang lupa ni Juan?

oOo

Mahirap nga namang isipin na nagaganap ang lahat ng ito.
Sinasabing may 30 milyong ektaryang lupain sa Pinas. Sa bilang nating nasa 90 milyon, lumalabas na may tatlong tao sa bawat ektarya.

Sa simpleng larawang ito, paano nga magkakasya ang lupain sa darating na 20, 50, 100 taon kung ang bilang ng naidadagdag na tao ay nasa dalawang milyon taon-taon?

Eh mas marami ang nabubuhay kaysa kinukuha ni Lord.

Sa kabilang banda, nagkakasya naman ang isang pamilya o 5-7 katao sa 36 metro kuwadradong tahanan o kaya’y 200 pamilya sa isang gusali na ipinatatayo nina mayor ngayon at ipinatayo noon ni Imeldific.

Makakayanan naman ang doble tanim at doble o tripleng ani sa palay…kung hindi bibisita sina Ondoy. Magdodoble rin ang ani sa tilapia at bangus at ang daming 45 days na manok at iba pa at napakaraming tubig at kuryente na gagawin kung gugustuhin.

oOo

Naalala natin tuloy ang napakaraming kontraktuwal na nagugutom habang ang kanilang employer ay tayo nang tayo ng napakalalaking negosyo mula sa pagod ng mga kontraktuwal.

Ang RH Bill ba ang kasagutan sa hirap na dinaranas ng contractuals at lahi ni Juan?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply