Resignation ni Diokno pormal nang tinanggap ni PNoy

OPISYAL ng tinanggap ni Pangulong Benigno Aquino III ang irrevocable resignation ni Bureau of Corrections (BuCor) Director Ernesto Diokno matapos pumutok ang balitang labas-pasok sa kanyang selda si dating Batangas gov. Antonio Leviste.

Sa isang press conference, sinabi mismo ni Pangulong Aquino na ramdam niya ang bigat ng dibdib ni Diokno nang magpalaam sa kanya.

Wala pang desisyon ang Punong Ehekutibo kung bibigyan niya ng panibagong trabaho si Diokno lalo pa’t off age na ito.

Nauna rito, bago mag-alas 2:00 ng hapon kanina nang iabot sa kanya ni Diokno ang kanyang resignation letter at nag-usap sila na umabot ng 20 minuto.

Nagpasalamat ang Chief Executive kay Diokno sa naging serbisyo nito at sa delikadesa sa pagbibitiw.

“Pinupuri ko si Ginoong Diokno sa kanyang pagpapasya sang-ayon sa kanyang konsensya,” aniya pa rin.

Tinukoy pa rin ng Punong Ehekutibo na simula pa ng siya’y manungkulan ay pinanindigan na ng pamahalaan na ang tungkulin sa pagbibigay serbisyo-publiko ay paglilingkod sa mamamayang Filipino.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply