Resolusyon sa kasong libelo ni John Lapus vs Jobert Sucaldito isasapinal na

ISANG pagdinig na lang at isusumite na para mabigyan ng resolusyon ang kasong libelo na ikinasa ng komedyanteng si John “Sweet” Lapus  laban sa host-columnist na si Jobert Sucaldito.

Nabatid ito mula kay State Prosecutor Liezel Aquiatan-Morales matapos ang pagpapatuloy ng preliminary investigation niya sa kaso ng dalawang personalidad.

“By Tuesday next week (May 17), submitted for resolution na ang kaso with or without the rejoinder,” ayon pa kay Morales na nagsabing sa binanggit niyang araw, magpapatuloy ang paunang imbestigasyon at nakatakdang magsumite ng rejoinder ang panig ni Sucaldito.
Tanging si Lapus lamang ang dumalo sa pagdinig habang kinatawan lamang ng abogadong si Fortunato C. Pagdanganan si Sucaldito. Nagsumite si Lapus ng kasagutan sa kontra-salaysay ni Sucaldito.

Kasabay nito, iprinisinta rin ni Lapus ang kanyang saksing si Joseph Pascual na kasama umano ng komedyante sa Library bar sa Malate, Maynila noong Pebrero 15, 2011 dakong 2:00 ng madaling-araw.

Sinuportahan ni Pascual ang pahayag ni Lapus na walang katotohanan at pawang paninira lamang ang mga isinulat ni Sucaldito sa tabloid na Bandera noong Pebrero 19 2011.

Nakasaad kasi sa artikulo na noong madaling-araw ng Pebrero 15, gumawa umano ng eksena si Lapus sa naturang bar at pinupuwersa nito ang isang lalaki na magkaroon ng seksuwal na relasyon sa kanya.

Sinagot naman ito ni Sucaldito na sinundan pa ng akusado ng paghahain ng kontra-demanda laban kay Lapus.

Ayon kay Morales, maaantala lamang ang pag-usad ng kasong nabanggit kung pagsasamahin ang libel case na inihain ni Lapus laban kay Sucaldito at ang hiwalay na kontra-kaso ng host-columnist laban sa komedyante.

“Kapag nai-consolidate doon magtatagal kasi, magse-set na naman ng panibagong mga hearing,” paliwanag pa ni Morales.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply