Respeto, bow!

MAINIT ang usapin ng RH Bill.

Napakaimportante ng isyu ng RH Bill at napakaselan. Kaya napakaimportante na tingnan nating mabuti ang isyu ng RH Bill.

Hindi dapat maging batayan na kung fans ka ni Manny Pacquiao ay aayaw ka o kaya dahil tagahanga ka ni Senadora Miriam Santiago ay pabor ka.

Dapat maayos na maipaliwanag sa atin o mas mabuti kung tayo mismo ang makakabasa sa panukalang batas.

Sa atin mga mambabatas sana ay hindi para makakuha ng boto o sa takot na mawalan ng boto ang motivation ng kanilang pagsuporta o pag-kontra sa RH Bill. Ang dapat manaig sa desisyon ng ating mga mambabatas ay ang kapakanan ng mamamayan.

Noon meron din kaming Quezon City population management policy ordinance na parang RH Bill. Naramdaman din namin ang matinding opisisyon ng simbahang Katoliko na tutol sa nasabing ordinansa pero naipasa namin at naging ganap na ordinansa. Kaya pwede maging batayan ng 15th Congress ang QC experience.

Naging matagumpay ba ang ordinansa ng QC tungkol sa population control? Naging kapaki-pakinabang ito sa lungsod? May epekto ba ito sa suliranin ng kahirapan? Naging mas moral ba ang mga tao sa QC? Nagkaroon ba ng pagbabago sa paggamit ng condom o ng contraceptives, dumami ba ang gumagamit o mas bumaba o kumonti?

Ang mga sagot sa tanong na ito ay madaling makukuha ng ating  mga mambabatas ngayon kung gugustuhin nila at ito ay mga solidong ebidensya at maaring gamitin para pang suporta o pang-kontra sa RH Bill.  Kung saan ka man panig sa isyung ito maari mo lang maipaglaban ng buong puso ang iyong paninindigan kung tunay mong nauunawan ang mga malalalim na isyu na hatid ng panukalang batas.

At ang unang hakbang tungo sa malalim na pangunawang ito ay ang paggalang at pag-respeto sa opinyon at karapatan ng magkabilang panig.

Mag-text po kayo sa akin sa 09209280847 o mag- email sa: ariel.inton@gmail.com. Mahalaga sa akin na malaman ang inyong salobin at opinyon tungkol sa isyung ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply