Reusable materials kapalit ng mga binhi isinulong sa QC

HINDI na kailangang gumastos pa ang mga taga-Quezon City na nahihilig sa pagsasaka sa kalunsuran o urban farming para lamang makakuha ng binhi o seedlings na kanilang itatanim.

Ito ay bunsod nang isinusulong na programa ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte hinggil sa pamamahagi ng  binhi o seedlings para sa urban farming kapalit ng mga bote ng softdrinks, iba pang lalagyang plastic, o mga  reusable materials.

Ayon kay Belmonte, sa ilalim ng programang ito  ay maaaring ipagpalit ng isang indibidwal ang naturang mga reusable material sa mga binhi gaya ng isang bote ng 1.5 na softdrink  na may katumbas na isang seedling.

Bukod sa seedling, maaari ring ipagpalit ng mga taga QC ang kanilang reusable materials sa pagkain tulad ng isang pakete ng instant noodles.

Ipinaliwanag ng naturang opisyal na hindi lamang pag-popromote ng urban farming sa QC ang nakapaloob sa naturang programa kundi maging ang pangangalaga sa kalikasan lalo na ngayong  nararanasan ang negatibong epekto ng climate change o pagbabago ng panahon.

Isa rin sa  mga programang isinusulong ni Belmonte ay ang kampanya laban sa climate change.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply