Reyes sibak na sa POC-PSC National Games

BACOLOD CITY – Sibak na rin si billiard icon Efren ‘Bata’ Reyes sa 9-ball competition ng POC-PSC National Games.

Sinundan ni Reyes, bantog bilang ‘The Magician’ sa world billiards community, ang dating world No.1 na si Dennis Orcullo sa sideline matapos masilat ni Ramil Gallego, 7-9,  sa kanilang quarterfinal duel kanina sa Gaisano City Mall.

Dumagundong ang hiyawan mula sa manonood na dumagsa sa venue nang sumablay ang tirada ng 55-anyos na si Reyes sa No. 6 ball sa left corner pocket na naging daan para makumpleto ni Gallego, miyembro rin ng national team, ang dominasyon tungo sa Final 4 ng torneo na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC) sa pakikipagtulungan ng Smart, Scratch It, Go for Gold, P&G at Summit Mineral Water.

“Tumatanda na yata,” pabirong pahayag ni Reyes patungkol sa sablay na tira na nagbigay sana ng pagkakataon na maitabla ang iskor sa 8-all. “Pero sa sports namin, ito talaga ang nangyayari, walang seeded at walang superstar dito pag namali ka ng diskarte matatalo ka,” aniya.

Dominado ni Reyes, two-time world champion at billiards hall of famer, ang laro tungo sa 4-2 at 6-3 bentahe sa kanilang race-to-9 duel, ngunit nagawang makahabol ng SEA Games veteran na si Gallego para agawin ang kalamangan sa 8-7.

Halos walang kumukurap at pigil hininga ang manonood nang makuha ni Reyes ang pagkakataon na maitabla ang laban sa pamamagitan ng kahanga-hangang tira, ngunit ang lahat ay napahiyaw sa importanteng tira na naisablay ni Reyes.

‘Ganyan talaga. Hindi naman ang panalo ko ang importante dito, ang mahalaga marami tayong batang payers na nakita na puwede nating isama sa nationa team,” aniya.

Kasalukuyang ginagawa ang semifinal duel sa pagitan nina gallego at Delfin Tugade, habang nagkaharap sa hiwalay na semis match sina national Jeff Luna at Pau Ortega.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply