Rice on the go

BIGAS ang pangunahing pagkain ng mga Filipino. Taglay nito ang carbohydrates na nagbibigay lakas o nagsisilbing gasolina sa ating katawan para maging aktibo sa maghapong pag-aaral o pagtatrabaho.

Sa urban life kagaya ng sa Manila na tila napakabilis ng takbo ng pamumuhay ng bawat tao, lalo na sa ‘working parents’ na laging naghahabol sa oras, minsan kapos na sila sa panahon sa pagluluto o paghahanda ng pagkain.

Kadalasan, walang oras mag-grocery o mamalengke sa umaga dahil iniiwasang ma-late sa trabaho at sarado naman ang ilang establisimyento o hindi na rin naaabutan ang palengke sa gabi dahil nag-o-overtime pa ang iba.

May kasagutan na ang problema sa pagluluto at makapag-aalmusal pa bago pumasok sa trabaho o paaralan nang hindi naaapektuhan ang oras ng pagpasok.

Ang ‘iMeal, eat all-in-one rice meal to go’ ay ipinakilala na sa merkado. Ito ang bagong istilo ng paghahanda ng pagkain para maging ‘available’ ito anumang oras gutumin o gustuhin mula sa umaga hanggang gabi, maging sa meryenda.

Ito ay maituturing na ‘complete meal’ at madaling bitbitin kahit saan, madaling kainin habang nagbibiyahe na hindi na kailangan pa ng plato at anumang preparasyon. Sa pouch lang nito ay maaari ka nang kumain nasaan ka man.

Ayon kay Mr. Jose Cochingyan sa isang interbyu, isa sa partners ng Prepmeals Corporation na nagma-may-ari sa iMeals, ang nasabing ‘rice in pouch’ ay hindi na nangangailangan ng refrigeration dahil umaabot ng siyam (9) na buwan ang ‘shelf life’ nito bago tuluyang masira.

“Ok lang na hindi ito ilagay sa ref kasi luto na ito.  Pwedeng hindi na ito initin.  Pero karamihan kasi sa ating mga Filipino ay hindi sanay kumain ng malamig.  So pwede itong initin sa isang lalagyan na may hot water.  Ibabad mo lang ang pouch.  Pwede din siya i-microwave ng hanggang 30 seconds lang,” ani Cochingyan.

“Kumpleto na rin ito: may kanin na, may ulam pa.  Mabibili ito sa mga supermarkets sa 2 sizes: sa 240 grams, ito ang recommended full meal sa isang araw para sa isang adult lalo na sa kalalakihan.  Samantalang ang isa ay nasa 150 grams, para sa kababaihan o sa diet conscious.”

Prepmeals Corporation

Ito ang korporasyon na nagmamay-ari ng iMeal, na nagbibigay pugay sa pagiging matatag ng mga Pinoy. Isang kumpanyang may pagmamahal sa bawat pangangailangan ng indibidwal at pamilya sa pamamagitan ng ready to eat healthy meals na angkop sa kanilang lifestyles.

Ayon pa kay Cochingyan, layunin nito na himukin ang mga Filipino na kaya nating himukin ang ating kapwa Pilipino na magnegosyo.  “Sana hindi na tayo mag-export pa ng mga tao.”

Itinatag noong 2009, ang Prepmeals Corporation ay pinangungunahan ng grupo ng mga indibidwal na taglay ang hindi matatawarang karanasan sa food technology, manufacturing processes, at corporate governance.

Ang teknolohiya ng iMeals sa paggamit ng pouch bilang packaging nito ay mula sa Europe pero ipinagmamalaki nito na 95 porsiyento ng mga sangkap nito ay gawang Pinoy partikular ang bigas.  “Long grain rice ang ginagamit namin sa lahat ng flavors na mula sa Pilipinas.”

Ani Cochingyan, bukod sa patok na ito sa konsyumers sa Metro Manila, marami na rin aniya ang nagugulat na tinatangkilik na rin ito sa mga karatig-lugar ng Maynila gaya sa Montalban, Rizal at San Pedro Laguna.

“Magugulat ka, may isa kaming buyer/soon distributor na naniniwala na makakabenta siya ng malaki sa Iloilo.  In fact, marami siyang orders na.”

Sa katatapos na International Food Expo sa SMX, Mall of Asia (MOA), isa ang iMeal sa exhibitors, sinabi ni Cochingyan na nagulat din siya sa ‘turnout’’ ng kanilang sales dito.  “Nagulat kami kasi kahit late na kaming nag-register at medyo likod yung booth namin, dinumog pa rin kami ng individual costumers maging ang ilang group managers.”

“We believe in manufacturing in the Philippines and have set up our first plant in San Pedro, Laguna,” dagdag pa ni Cochingyan.

Nais din ng Prepmeals Corporation na makapagbigay ng professional values, maisulong ang mga sariwa at makabagong idea, maingat at patuloy na product development, kaligtasan at kalusugan sa ating mga produktong pagkain at sustainable technology.

May iba’t ibang flavors ang iMeal products depende sa iyong panlasa: rice adobo, Chinese, Japanese at lasang Pinoy.  Ilang buwan mula ngayon ay ipakikilala na rin sa merkado ang dalawang pang pinakabagong rice flavors na tiyak na kakagatin din ng publiko.

Dealership:

Bukas din ang Prepmeals sa dealership para sa mga nais magkaroon ng kabuhayan.  Pumunta lamang sa kanilang website: www.imeal.ph. o mag-email sa info@imeal.ph para sa karagdagang impormasyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply