Rice smuggling ginawang ligal ni GMA – Banayo

IBINULGAR ni National Food Authority (NFA) Administrator Lito Banayo na kahit talamak ang rice smuggling noong huling tatlong taon ng administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ay hindi ito nasawata dahil pinagmukha itong ligal.

Wala umanong binabayaran na customs duties ang mga inaangkat na bigas noon dahil may basbas ng NFA ang importasyon ng nasabing produkto.

Idinahilan umano ng nakaraang administrasyon ang nakaambang krisis sa bigas sa pag-angkat ng sobra –sobra, na umabot sa 2 milyon metriko tonelada ilalim ng “private -financed rice importation.”

Iisang pribadong importer umano ang kumita sa ganitong sistema dahil hindi ito dumaan sa public bidding, ayon sa isang auditing firm na kinomisyon ng NFA kamakailan upang tingnan ang mga transaksyon ng ahensya noong panahon ni Gng. Arroyo, na ngayon ay isa nang kongresista.

“Hindi na nga nagbabayad ng buwis sa pag-aangkat ay overpriced pa na ibinebenta sa gobyerno ang mga bigas”, dagdag pa ni Banayo.

Naging bilyun-bilyong piso ang pagkakautang ng NFA dahil palugi ibinebenta ng ahensya ang mga nasabing bigas.

Ang masaklap umano ay hindi naman napupunta lahat ang bigas sa mahihirap dahil ibinebenta ang iba ng mga tiwaling tauhan ng NFA sa mga negosyante ang murang bigas.

Umaabot na umano sa P177 bilyon ang utang ng NFA dahil sa importasyon ng sobra -sobrang bigas noong 2008.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply