Rico J. binuking si Willie

KWENTO ng aming kasambahay na nakapanood ng pagbabalik-TV ni Willie Revillame, kuwela daw ang naging asaran nina Rico J at ng TV host. Guest lang si Rico pero halatang feel at home siya kay Willie.

Tinawag pa daw ni Rico na sinungaling si Willie dahil hindi pa rin nito inaamin na magsiyota na sila ni Konsehala Shalani.

“Sinungaling ka! Itinatago mo pa e, magsiyota naman kayong dalawa,” biro ni Rico sa programa.

Well, sa pagbabalik ni Willie na biru-biruan nga’y may parang pusa ito sa pagkakaroon ng siyam na buhay, iisa lang ang puwedeng i-comment ng iba, the more, the merrier.

***

Dyowa ni AJ Perez artista na

SA isang tribute for the mother (kaugnay ng Mother’s Day) sa isinagawang concert for the G-Force kamakailan lamang, tampok ang pagsasayaw ni Steph Ayson, ang iniwang GF ng yumaong si AJ Perez.

In  fairness, may talent namang ipinakita si Steph sa pagsasayaw at  ang aming hula, baka maging contract artist siya ng Star Magic.

Wala namang puwedeng ipintas kay Steph sa kabila ng wish nitong pumalaot na rin sa showbiz gaya ng namatay na bf.

Maganda, La Salle student at puwedeng ihanay sa mga young stars natin like Kathryn Bernardo at Julia Montes.

***

Televiewers ginagawang tanga sa ‘Mara Clara’

SPEAKING of “Mara Clara,” ang dami nang nabubuwisit sa kademonyohan ni Jhong Hilario na gumaganap na Gary, isang kasumpa-sumpang karakter na umaani ng kapintasan.  Madami na raw kasing pagkakataon na naligtasan ni Mara (played by Kathryn) ang lupit ni Gary, pero lagi na lang siyang nasusundan dahil  sa pakikipagkutsabahan-kababawan ng role ni Julia as Mara.

Marami ang nagwi-wish na sana’y mag-ending na ito kahit pa consistent top-rater sa lahat ng kakompetensiya.

Feel kasi ng audience ay ginagawa na silang “tanga.”

Anyway, napag-alaman naming sa June na ang katapusan ng Mara Clara.

***

HINDI lamang sa boxing sumisikat ang General Santos City dahil sa produkto nito ang World boxing champ na si Manny Pacquiao. Maging sa pagsayaw din ay kinikilala na ang bayang ito ni Manny dahil na rin sa Pambansang Nanay na si Dionisia P. na laging ibinibida ang galing sa pagsayaw.

Matatandaan ding ang GenSan ang naging Grand Winner sa Showtime last year, with XB Gensan na nanalo noon.

***

HISTORY repeats itself, ika nga, dahil ang GenSan na naman ang nakakuha ng P2-M jackpot prize sa ginanap na 3rd season grand Finals last Saturday sa Ynares Sports Center, Antipolo.

Emosyonal ang grupong True Colors dahil hindi nila akalain na taga-Gensan muli ang tatangahling champion.

Ang barangay cheering squad naman na nakakuha ng P100,000 ay ang cheering squad ng Negros Oriental, supporter ng isang finalist.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply