‘Rider’ kinaladkad ng isang sasakyan, tigok

PATAY ang isang 31-anyos security guard na lalaki makaraan na araruhin siya at ang motorsiklo nito ng isang Toyota Vios sa kahabaan ng Edsa sa lungsod ng Quezon kaninang madaling araw.

Dead-on-Arrival sa Medical City Hospital ang biktimang si Arnelo Camyon, 31 anyos, security guard, ng Blk 2 Lot 4, Luz Vill Homes, Barangay Dela Paz, Antipolo City.

Sugatan naman ang ang driver ng Toyota Vios (ZPR-126) na si Mark Bryan Dy, 25, ng Sampot, Paniqui, Tarlac.

Sa ulat ng pulisya, nangyari ang insidente sa may crossing ng Ortigas at Edsa bandang 1:20 a.m..

Binabagtas ng biktima sakay ng kanyang motorsiklo (8199-PP) ang kahabaan ng Ortigas Ave.

Pagtawid nito sa Edsa, aksidenteng nahagip ito ng nasabing Vious hanggang sa kaladkarin patungo sa naka-stationary na Cher bus (TYP-677).

Sumalpok pa ang sasakyan ni Dy sa kaliwang likuran ng bus habang pumailalim naman ang biktima at ang motorsiklo at naipit sa gitna.

Matinding pinasala sa katawan ang tinamo ng biktima na naging sahi ng maaga niyang pagkamatay.

Nahaharap ngayon si Dy sa kasong reckless imprudence resulting to homicide at nakatakdang i-inquest sa piskalya ng nasabing lungsod anumang oras ngayon.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply