Rizal province pinuri ng DOH

PINURI ngayong Biyernes ng Center for Health Development IV-Calabarzon, Department of Health (DOH) ang probinsya ng Rizal hinggil sa taunang pagbisita ng mga health worker sa mga bata para sa masuri ang mga ito.

Ayon sa report, isa-isang pinuntahan ng mga health workerssa kani-kanilang mga bahay ang mga batang anim na taon pababa upang tanggalan ng bulate sa tiyan at siguruhing normal ang kalusugan.

Ayon kay Rizal Gov. Jun Ynares, tinututukan nila ang kalusugan ng mga bata dahil aniya, kailangang alagaan ang susunod na henerasyon.

Bilang doktor at ama na rin, ang mga bata umano ang papalit sa kanilang mga posisyon sa tamang panahon kaya dapat lamang na malusog ang mga ito.

Bukod sa deworming, may kampanya rin umano sila sa pagbibigay ng vitamin A upang masigurong malusog ang paningin ng mga bata.

Nagtala ang lalawigan ng 4.8% under nutrition, mas mababa sa naitalang 5.24 porsiyento noong 2009.

Gayunman, hindi umano kuntento ai Ynarez sa resulta dahil nais niyang 100% ang kalusugan ng mga bata sa pamamagitan ng paggamit ng mas komprehensibong paraan.

Aniya, prayoridad ng Rizal ang kalusugan ng mga bata akaya tututukan nila ito ng husto.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply