Robredo, Paje hindi na sisibakin sa Gabinete

HINDI na saling-pusa sa Gabinete dahil magiging  permanente na sa kani-kanilang posisyon sina Interior Secretary Jesse Robredo at Environment Secretary Ramon Paje.

Sinabi ni Pangulong Benigno Aquino III na permanent capacity na ang isusumiteng appointment para kina Paje at Robredo sa Commission on Appointments (CA) dahil masaya sa siya sa performance ng dalawa.

Nagpahaging ang Pangulo na ihahanapa na lamang niya ng ibang posisyon si  dating Rep. Neric Acosta, na una nang napabalitang ipapalit kay Paje.

Maaari umanong magsilbing “coordinator” si Acosta sa lahat ng mga ahensyang may kaugnayan sa kapaligiran at ecological protection.

May Cabinet rank pa rin umano ang posisyon ni Acosta.

Hiniling ni deputy presidential spokesperson Abigail Valte na hintaying makabalik sa bansa ni Pangulong Aquino upang malinawan ang mga isyu ukol sa permanent appointment nina Robredo at Paje.

“May kailangan pa daw po silang mga pag-uusap na kailangang gawin,” ayon kay Valte.

Aniya pa, malapit nang ilabas ng Malakanyang ang administrative order ukol sa appointment naman ni dating Sen. Mar Roxas bilang presidential chief of staff.

“Isa po ‘yan sa mga bagay na ini-expect po na mailabas pagbalik ni Pangulo from Thailand,” pahayag ni Valte.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply