Rochelle Pangilinan makasarili, plastikada?

MARIING klinaro ng seksing si Rochelle Pangilinan ang tsikang may tampuhan blues raw sila ng kanyang dating manager na si Joy Cancio. Nagsimula raw ang naturang tampo nang piliin ni Rochelle na iwan na ang grupo niyang Sexbomb at ang manager para mag-solo.

Ayon kay Rochelle, hindi raw totoo ito. Masaya raw ang samahan nila at maayos naman daw ang kanyang pagpapaalam sa dating grupo at manager (The height of kaplastikan! Ayaw ng plastikadang si Fermin nang ganyan! – Ed).

Para kay Rochelle, wala siya ni katiting na tampo kay Joy. (Kapal naman ng apog niya kung siya pa ang magtatampo gayong siya ang nang-iwan! KAPAL!!! – Ed).

Pero nang ibato naming hindi kaya si Joy ang may tampo sa kanya? Natatawang sinabi ng dating reyna ng Sexbomb na yun daw ang hindi raw niya alam at si Joy Cancio na lang daw ang tanungin pagdating sa bagay na iyon.

Sa ngayon busy ang byuti ni Rochelle sa “Amaya” kung saan ay first time niyang lalabas na kontrabida at magiging pahirap siya kay Marian Rivera na gumaganap sa title role.

***

Glaiza de Castro, di feel mag-pose para sa FHM

SUPER sexy si Glaiza de Castro sa bago niyang pictorial para sa promo ng “Amaya” kung saan buhok lang ang nakatakip sa kanyang dibdib. Topless talaga ang hitad.

Sa panayam ng inyong lingkod sa batang aktres, natanong namin kung simula na ba ito ng pagpapa-sexy niya sa pelikula at stepping stone para sa sexy pictorials sa FHM o any mens magazine kaya?

Natatawang sinabi ni Glaiza hindi porke’t magto-topless siya sa Amaya ay magpapa-sexy na siya. Gagawin daw niya ang naturang eksena dahilan sa kailangan sa project at malaki ang kanyang tiwala sa kanyang director na si Mac Alejandre.

Sa ngayon, hindi pa nakukunan ang eksenang topless si Glaiza pero pinaghahandaan na niya ito sa pamamagitan ng puspusang pagda-diet.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply