Rollback sa petrolyo tuloy-tuloy na -DOE

NANINIWALA ang Department of Energy (DOE) na mataas ang tiyansa na magkaroon ng rollback sa mga produktong petrolyo sa mga susunod na linggo.

Ayon kay Spokesman Usec. Jay Layug, sinabi nitong nagkaroon ng magandang pagbabago sa napakamahal na presyo ng langis sa pandaigdigang merkado buhat nang mapatay ang al-Qaeda terrorist leader na si Osama Bin Laden.

Nakiusap din ang oil consumers at oil price watchers sa mga kumpanya ng langis na bawasan ang presyo ng kanilang mga produktong diesel, gasolina at kerosene, pati na rin ang liquified petroleum gas (LPG).

Ipinahayag naman ni Energy Chairman Raul Concepcion na huwag namang magkuripot ang mga oil players dahil base sa kanilang pag-aaral bumaba ang bentahe ng krudo sa world market.

Matatandaan noong araw ng Linggo, May 8, ay nagpatupad ng rollback ang “Big-3”, habang nagmahal naman kamakailan ng P33.00 ang 11-kilo na cooking gas ng Shell.

Matatandaan na noong araw ng Miyerkoles, P0.50 ang tinapyas ng LPG Marketers Association (LPGMA) sa kanilang produkto.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply