Rollback sa produktong petrolyo ipinatupad

DALAWANG kumpanya mula sa big three oil companies ang nagpatupad ng panibagong bigtime rollback sa presyo ng kanilang  produktong petrolyo .

Simula alas 12:00  ng madaling araw ng Linggo, Mayo 22, epektibong nagbawas ng halagang 50 sentimos kada litro ng kanilang diesel ang Pilipinas Shell bago sinundan bandang alas 6:00 ng umaga ng Chevron Philippines habang P2 naman ang ibinawas sa kada litro ng kanilang unleaded at premium gasoline.

Kaninang alas 6:00 din ng umaga nagpatupad din ng rollback ang ilang kompanya ng langis bunsod ng pagbaba ng presyo nito sa pandaigdigang pamilihan.

Napag-alaman na ito ang pangatlong pagbabawas ng presyo ng kanilang produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis.

Inasahan din dito ang pag rollback ng halaga ng Liquified Petroleum Gas o LPG habang inaabangan pa ang anunsiyo ng mga ito. Alex Ching

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply