Roxas magiging asset sa Aquino govt

MAGIGING asset sa pamahalaan ang dating senador na si Mar Roxas sa oras na maitalaga na ito ni Pangulong Benigno Aquino III bilang chief of staff.

Ito ang paniniwala nina Lipa Archbishop Ramon Arguelles at Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz.

Ayon kay Arguelles, magiging asset si Roxas sa administrasyon dahil kilala itong may integridad at nagsilbi rin ng maayos sa Senado na kaagad naman sinegundahan ni Cruz.

Sinabi ni Cruz na magiging malaking tulong si Roxas sa kasalukuyang administrasyon lalo na sa pagbibigay ng mga ideya kung paano patatakbuhin ang ekonomiya ng bansa.

“It would help if the President would accept his advice, if he would understand his plans and if his advice will be given merit,” ani Cruz.

Kinakailangan umano ng Pangulo ang tulong ni Roxas na isang magaling na ekonomista upang mapatakbo nito ang pamahalaan ng maayos at mapaganda ang takbo ng ekonomiya ng bansa.

Una nang tiniyak ni Aquino na isa si Roxas sa magkakaroroon ng puwesto sa pamahalaan kasunod nang pagtatapos ng one-year ban na ipinatupad ng Commission on Elections (Comelec) sa pagtatalaga ng mga kandidatong natalo sa May 2010 presidential elections. Kyle Gatus

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply