Ruffa at Brazilian date agaw-eksena sa renewal of wedding vows nina Bong at Lani

MILYONES diumano ang ginastos ng mag-asawang senador Bong Revilla, Jr. at Congresswoman Lani Mercado para sa ginanap  ika-25th renewal of wedding vows ng mag-asawa na ginanap noong May 28, Sabado, sa Shrine of St. Therese of the Child Jesus, Villamor Airbase,Pasay City . Pasado  alas sais ng gabi nang matapos ang seremonya sa simbahan at sa Harbour Tent, Sofitel Hotel sa CCP Complex naman ang bonggang reception.
Dahil sa Sofitel na kami dumiretso, natsika namin ang ilang staff na nag-aasikaso sa affair at ayon sa kanila, milyones  ang inilaang budget sa natatanging okasyon ng taon.
Sa pagkain pa lang, masasabing  food for the gods ang  sinerved dahil ini-akma sa  ilang foreign guests ang mga piling-piling menu. May ilang ambassdaors na dumating, ang kinatawan ng bansang Palau at India. Sa mga gaya namin, hindi kami maka-relate sa  inihaing lafang. Kung may daing at itlog na maalat sana,  doon pa kami natuwa. HIndi hamak na magi-enjoy ka sa mga pagkaing lamang-dagat, gaya ng  hipon, tulya at iba pa.
Sabagay, once-in a-lifetime din ang  ganitong sosyalan kaya’t tipong  in-enjoy na rin namin ang  pagkain.
Bongga at sosyal din ang mga give-aways ay mga mamahaling Swarovski three-layered bracelet, kaya’t maliwanag na milyones  nga ang nabawas sa kaban ng yaman ng mga REvilla.

***

Star-studded ang affair at namataan namin ang dating pangulong Joseph Estrada kasama ang anak na si senador Jinggoy Estrada  with wife Precy. Dumating din ang lovely pair na sina Richard Gomez at Cong. Lucy Torres. Looking pretty ang may tatlo nang anak na si Gladys Reyes, MTRCB board member at masayang ibinida sa aming table na ang susunod niyang guest sa kaniyang Moments  program ay si Robin Padilla. Maaga ding  dumating ang mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao, halos kasunod lamang ng pamilya Gutierrez ( Annabelle, Eddie at Ruffa), mga alagang artista  with Miriam Quiambao in tow..
Agaw-pansin ang kasama ni Ruffa, ang Brazilian guy na sabi ni Jimmy ( assistant ni Ruffa) ay suitor pa lamang at dito na nakabase-nagwo-work sa Pilipinas.
“Mahilig talaga si Ruffa sa mga foreigner,”  bulong ng isa naming kasama.
Early-birds  sa mga dumating  ang first lady ng Quezon City na si Ms. Tathess Gana with Karen Martinez at  ang late arrival naman ay si Cong. Shalani Soledad, minus Willie R.
Ang punong abala sa okasyon ay ang kapatid ni Bong na si Andeng Ynares kasama ang asawang si Gov. Jun Jun YNares ng Rizal. Jaworski and Ipe Salvador arrived with respective partners.
Eyecatcher din ang pair nina Borgy Manotoc at Georgina Wilson.Mukhang dedma ang lola niyang si Congresswoman Imelda Marcos sa pagti-table-hopping ng dalawa. Surprise  daw ang pagdating ng mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez na umaiwt ng Pangako.
Nagpugay muna sina Ogie at REgine sa madla at binati ang mag-asawang Bong at Lani sa ika-25th nilang wedding annversary. Baling ni Ogie sa  asawa, ” On their (Bong-Lani) 50th(anniversary), tayo naman, 25th pa lang. Naisip mo ba ‘yon?”  at napangiti na lang si Regine. “Ako, naisip ko,” patuloy pa ni Ogie.

***

Nakausap  namin sa said affair ang anak nina Bong at Lani na si Jolo Revilla, at masaya nitong ibinida na ngayong June na ang paglabas ng kanilang seryeng Binondo Girl, with Kim Chiu.
Sa  mga tanong kung pinopormahan o pinormahan nito ang leading lady na si Kim, smile lang si Jolo.
” HIndi po. Hindi pa po,” sabay ngiti ng  aktor.
Friendship lamang daw ang  kaniyang hinahanap at saka na sa  temang-ligawan.
” Wala pa munang panahon sa pag-ibig. Hanggang friendship muna.”  aniya.
“Nagagandahan ako sa kaniya, humahanga ako, kaya siguro  nami-misinterpret ng iba na yong pakikitungo ko sa kaniya ay ganun na nga (panliligaw).”  sey niya.
Kung balang araw ba’y liligawan nito si Kim ?
“Wala  akong sinasabing liligawan ko siya. Basta.”  pagtatapos ni Jolo sa amin.

***

Sa imbitasyon ni Emy Abuan, Solar Films PR,  aming napanood ang Kung Fu Panda 2, in 3D sa  SM North IMAX Theater. kapuri-puri ang direktor nitong si Jennifer Yuh Nelson kung paano nito naiangat sa mataas na antas ang Kung Fu Panda 2. Nahigitan kasi nito ang sequel ng naunang pelikula sa special effects sa pamamaraang 3D technology.
Ang animation-comedy film na KUng Fu Panda 2 ay dinubbed ng mga sikat na aktor at aktres gaya nina Jack Black (Po), Angelina Jolie ( Tigress), Jackie Chan (Monkey), Gary Oldman (Lord Shen), Dustin Hoffman ( Master Shifu), Lucy Liu (Viper), Seth Rogen(Mantis), Jean Claude Van Damme, David Cross, Michelle Yeoh at James Woods. Distibuted by UNited International Pictures thru Solar Ent. Corp. Showing na ito starting May 26.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply