Sa nakawan ng sanggol, CSF chief sibakin!

MATAPOS ang  dalawang sunod na insidente ng  nakawan ng sanggol sa mga pampublikong ospital sa Maynila, hiniling ng ilang mga opisyal ang pagsibak  sa hepe nito  gayundin  sa mga  miyembro na nakatalaga sa  Ospital ng Maynila at  Ospital ng Sampaloc.

Ayon sa ilang  opisyal ng   Manila City hall,  ang magkasunod na insidente ay indikasyon  ng kapabayaan ng hepe na si  Major Nicolas Amparo  at mga CSF personnel na  nakatalaga sa naturang mga ospital.

Sinabi ng isang  ospiyal na ayaw magpabanggit ng pangalan na tila hindi namomonitor ni Amparo ang trabaho ng kanyang mga tauhan partikular na sa mga lugar  na kailangan ang mahigpit na pagbabantay.

Masyado umanong maluwag ang mga tauhan ng CSF na nagresulta ng  insidente ng pagnanakaw ng sanggol noong Marso 23 sa OSMA.

Giit ng isang  opisyal, dapat umanong kinuwestiyon ng  CSF personnel na nagbabantay sa OSMA ang paglalabas sa sanggol ng nagpanggap na nurse lalo pa’t may tag ang sanggol sa kamay.

Matatandaang naging maluwag din ang  pagbabantay ng  ilang CSF personnel sa City College of Manila kung saan naipasok ng isang estudyante ang  isang baril  na  ipinutok nito sa kanyang kasintahan noong Marso 5.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply