Sa pagtira kay Manny: Miriam binalikan ni Mommy Dionisia

BINALIKAN ni Mommy Dionisia, nanay ni Sarangani Rep. Manny Pacquiao si Senador Miriam Santiago nang sabihin nitong mali ang pagkakaintindi ng Pambansang Kamao sa isang verse na nakapaloob sa Bibliya hinggil pa rin sa usaping Reproductive Health bill.

Nagsalita si Mommy Dionisia matapos ang tambak na kritiko na nakuha ng anak dahil sa pagkontra sa pagsusulong sa RH bill, partikular na ang komento ni Santiago.

Sinabi ni Santiago na mali ang pagkakaintindi ni Pacquiao sa nakasaad sa Bibliya na “Humayo kayo at magpakarami.”

“Äng nakalagay sa Bibliya ay go forth and multiply at hindi go out and multiply. Kapag sinabi mo kasing go out and multiply para mo na ring sinabing pwede nang makipagtalik kahit sa harap ng publiko,”ani Santiago.

Ang mga pahayag na ito ang nagpainit naman sa tainga ni Mommy Dionisia.

“Huwag ang anak ko ang pakialaman niyo. Ang pakialaman ninyo yung malaswa, yung malaswa!” aniya.

Ani pa Mommy Dionisia na may karapatan ang kanyang anak na panindigan kung ano ang sa tingin niyang tama sa panukala.

“Ano tingin nila kay Manny, tau-tauhan? Di ba congressman sya?”

“Para kay Senator Miriam, parang binasura niya ang anak ko… bakit mababa ang tingin niya sa anak ko? Si Manny, sinusunod lang ang utos ng Diyos.”

Sa huli, nilinaw naman ni Mommy Dionisia na hindi siya galit kay Santiago kundi nais lamang niyang ipaintindi sa senador na hindi dapat mangmaliit ng kapwa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply