Sakto ang brigada

SAKTO ang paglusob ng bagyong Chedeng sa mahal kong Pinas ngayong pasukan.

Sino ang mag-aakala na habang nananawagan ang bangkaroteng Department of Education ng tulong para sa brigada eskuwela, eh, biglang dumating si Chedeng?

Sa lakas ng bagyong  Chedeng, tiyak na maraming iskul ang matutuklapan ng bubong o madedemolis kaya sa rupok. Maraming marurupok na iskul dahil kalahati lang ang tunay na gastos para sa mga ito at ang kalahati ay ibinubulsa ng mga korap.

Malalabnaw ang mga timpla ng semento riyan, payatot ang mga bakal,  dispalinghado ang mga pintuan at undersize ang mga yerong bubong dahil sa mga korap.

oOo

Siyempre pa, gagana tiyak ang mga brigada eskuwela. Karaniwang ang mga magulang ng mga bata ang bumabalikat ng lahat.

Ang akala nila, talagang ganun kung may bagyo feeling nila na obligasyon na rin nila ang tumulong sa pagkukumpuni sa mga iskul.

Ang isang magandang gawin diyan ay anyayahan din sa brigada eskuwela ang mga politiko na may proyekto at nangongomisyon ng 20% sa mga masisirang iskul para sila makonsiyensiya.
Pati ang mga miyembro ng Bids and Awards Committe na karaniwang may 5-10% na tongpats.
Pati ang kasabwat nilang mga district supervisor, superintendent at taga-DepEd na kasabwat ng mga korap na yan. Dapat makonsensiya ang lahat ng ito.

Magkagayunman, tanggapin natin na magandang magtulong-tulong tayo lahat sa oras ng kagipitan.

oOo

Sa brigada eskuwela, binubuhay lang natin ang dati na nating ginagawa na bayanihan.
Masakit nga lang isipin na wala sanang gaanong ganyan na proyekto kung hindi lang korap ang mga onorabol. Maibabaling sana ni Juan ang kanyang pagod at atensyon sa ibang produktibong bagay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply