Salamat kay Bathala at suwapang sa pablik iskul

NAKAHINGA tayo ng maluwag na maluwag nang umalis na si Chedeng sa ating bansa at hindi na babalik pa.

Pero kondolens po sa isang nadisgrasya sa isang lugar sa Kabikulan.

Kung nagkataon, baka naulit ang kasaysayan ni Ondoy at naparalisa na naman tayo.

Hangga’t maaari, ayaw na nating makita pa ang marami sa atin na namatayan ng daan-daang miyembro ng pamilya, nasiraan ng ari-arian at nawalan ng kinabukasan dahil sa baha na dala-dala ni Ondoy.

Eh magkasinglakas ang ulan na dala-dala nina Ondoy at Chedeng.

Mas malakas pa ang hangin ni Chedeng kaysa hangin noon ni Ondoy.

Pero tapos na ang lahat at wala tayong masabi kundi “Salamat” sa awa ni Bathala sa ating lahat.

oOo

Hindi talaga nawawalan ang mga titser ng paraan para kupitan ang mga nag-eenrol sa iskul, sa pablik iskul lalo na.

Sa kolehiyo, sinasabing walang tuition fee increase.

Pero ano itong nababalitaan nating awtsayd de kulambo na singilin ng mga titser?
Walang resibo ang mga ito, Suki, at nalalaman na lang mula sa mga estudyante kung ano-ano ang mga ito.

Kabilang sa mga paninda ng mga titser ang mga aklat na sinulat ng kapwa nila mga titser.

Nasa 5-10% ng halaga ng bawat aklat ang komisyon ng titser na nagbebenta sa kanyang klase.

Bawal gumamit ng ibang aklat at bawal ang magseroks ng kopya.

Eksklusib din ang patahi ng mga uniporme at bawal na gumawa ang mga pamilya ng mga estudyante na may patahian o marunong manahi.

Napakamamahal din ang mga gamit sa mga pradyek at kontak ng mga titser ang mga tindahan.

Ang mga kabataan nga ang gatasan, este, kinabukasan ng mga swapang na titser at iskul.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply